Monday, October 21, 2013

"Sir, makakapasa po ba ako?"

Ang tanging pag-asa ng mga estudyante na alanganin ang grade.

Yan ang madalas tanungin ng mga estudyante sa akin sa katapusan ng semester. Eh di ko pa naman masasagot yun kasi di pa ako tapos mag-check ng mga final exams saka mag-compute ng grades. Para sa akin, ang makapagsasabi n'yan ay ang ESTUDYANTE at hindi ang TEACHER.

Isang sikreto naming mga guro ay, as much as possible, ayaw naming magbagsak ng estudyante. It reflects badly on us teachers, kasi,  it means that we have not been effective teachers. Di natuto ang mga namin estudyante sa amin.

Pero minsan naman ay di namin maja-justify ang pagpasa sa isang estudyante kasi: laging absent, di nagpapasa ng requirements, wala o laging bagsak ang mga quizzes at exams. Aba, saan namin huhugutin ang mga grade ninyo?

Tapos at the end of the semester, magkukumahog kayo ng mga "special project"? Pag pinabili ko kayo ng USB o halaman, natuto ba kayong magsulat ng research paper???

Sinasabi ko at the end of every semester. "I did not make your grades. YOU made your grades. I merely computed."

Sa experience ko, pag ang isang estudyante ay laging pumasok, nagsa-submit ng mga requirements, at nagte-take ng lahat ng exams--kahit minsan eh napapa-absent o sumasablay sa exam--ay nakakapasa pa rin. Pero kung lagi kayong absent, hindi nagpapasa ng requirements, at puro bagsak ang exams, KAHIT MATIPON NINYO ANG PITONG DRAGON BALLS AT TAWAGIN NINYO SI SHENLONG, pag wala akong mapaghugutan ng grade ninyo, WALA!

"Sir, bigyan n'yo pa po ako ng pagkakataon, PLEEEAAASEEE!"

No comments:

Post a Comment