Image from YourLogicalFallacyIs.Com
Ang mga sumusunod ay
tinatawag ng “fallacies of presumption”, na ang definition ay “when the
disputant assumes, without presenting evidence or argument, the truth of the
conclusion which is his duty to prove” (The Art of Argumentation and Debate, by
Francisco M. Africa, 1952). In other words, ina-assume mong totoo ang isang
statement pero wala ka pang ebidensya. Ang tawag dun, “assumero” o “assumera”.
Bilang isang estudyante,
dapat mong malaman ang iba’t ibang mga fallacy para: 1) maiwasan mong gamitin
ang mga ito; at 2) para di ka maloko ng mga taong gumagamit nito (e.g., “Hindi
totoo ang sinasabi mo! Post hoc ergo propter hoc fallacy ang sinasabi mo!”).
Nakaganti ka na, nosebleed pa! At dahil LATIN ang mga logical fallacies, di
lang nosebleed, brain bleed pa!
1. Assumpto non probata. Assumption
without proof. Wala kang ebidensya pero ina-assume mo na totoo. For example,
Gawain ng isang boyfriend na magkipag-date, makipag-spend time with me, magkipag-holding hands, etc. etc.Mali. Hindi lahat ng gumagawa ng ganun ay boyfriend. Yung iba, ang tawag ay “manloloko”.
Ginagawa sa akin ni Guy ang mga bagay na ganun.
I therefore conclude na boyfriend ko si Guy.
Kaya girls, pag tinatanong n’yo sa sarili n’yo kung kayo nga ba talaga, malamang sa sagot ay “HINDI”.
Tandaan: HUWAG ASSUMERA!
2. Circulus in probando. Reasoning in a circle. Halimbawa:
“Sir, kumakain ka ba ng manok?”
“Hindi.”
“Bakit po?”
“Kasi di ako kumakain ng manok.” :-/
3. Argumentum ad hominem. Argument against the person. Isa sa pinaka-common na logical fallacies. Ganyan ang madalas nangyayari sa mga debate. Pag na-corner na ang isang tao at wala nang lusot, mamemersonal na siya. O kaya para mawala ang poise mo, aatakihin na ng tao ang pagkatao mo.
“Wahahah!!! Pandak! Unano! Dwende! Hahahaha!”“Excuse me! Hindi po ako pandak, CUTE ako! Because ‘cute’ comes from the Latin word ‘cute’ (pronounced kyoo-‘tay) which means ‘small’. Kaya tandaan ninyo: WALANG MATANGKAD NA CUTE!”
Praktisin
para wag mag-buckle sa susunod na lait-laitin kayo.
4. Argumentum ad populum. Argument to
the people. ‘Di totoo ang kasabihang “vox populi, vox Dei”: the voice of the
people is the voice of God. Hindi lahat ng sinasabi ng taumbayan ay totoo.
Minsan nang sinabi ng taumbayan, “Ipako siya sa krus!”
Kaya
pag sinabi sa iyo ng boyfriend mo na makipag-*bleep* ka sa kanya o kaya
maglive-in kayo kasi “Yun naman ang uso ngayon”, alam mo na ang isasagot. Pag
nauso ba ang pagse-selfie habang nagpapatihulog sa bangin, makikiuso ka?
5. Argumentum ad envidiam. Argument to
anger. Yung binubuyô ang mga tao para magalit. Madalas makita sa mga rally
iyan. Expert ang mga aktibista sa mga ganyang bagay. Gagalitin ang mga tao kasi
raw ang gobyerno and/or mga malaking kapitalista ay kurap/magnanakaw/mapang-api/nagpapayaman/naniniil
sa mga mahirap at manggagawa, etc. etc. et al. ad infinitum ad nauseum*… Kaya
sugod sa Malacañang!
Maaring
totoo, pero ang sabi sa Biblia, walang mabuting nagagawa ang galit.
6. Argumentum ad
misericodiam. Argument to mercy. Ang ibang tawag sa ganito ay ‘emotional
manipulation’. In other words, “paawa effect”. (Madalas gawin ng mga estudyante
yan para humihingi ng dagdag sa allowance…o ng extension sa teacher para sa
project.)
Expert si Puss in Boots
sa Argumentum ad misericordiam.
Sadly, may mga lalaki na gumagamit nito sa panliligaw. “Pag di mo ako sinagot/nakipag-break ka sa akin, sasaktan ko ang sarili ko/maglalaslas ako/magpapakamatay ako!” At madalas may mga babae na pumapayag sa mga relasyon na ganito hindi dahil nagmamahal sila kundi dahil naawa sila. :-(
Girls,
ang tawag dun ay argumentum ad misericordiam. Paawa epek. Pag ni-dramahan ka ng
guy na magpapakamatay siya kapag di mo s’ya sinagot/ nakipag-break ka sa kanya,
sabihin mo: “Sige nga? Tagaaal!”
7. Argumentum ad
verecundiam. Argument to something that inspires reverence. Pansin n’yo ba
na sa mga commercial, ang madalas na endorser ay mga doctor/scientist na
naka-lab gown (pero computer graphics lang ang laboratory nila) o kaya mga
artista?(Ano bang alam ng boksingero o aktres tungkol sa dermatology?) Kulang
na lang ay sabihin nilang ginamit ni Jose Rizal ang produkto nila para bumili
ka.
Sadly,
merong mga tao na ginagamit ang pangalan ng Diyos para sa agenda nila.
Halimbawa:
BOY: “Ang sabi sa akin ni God ikaw daw ang babaeng para sa akin!”Meron akong narinig na kaya nakipag-break daw siya sa karelasyon n’ya kasi “Yun ang sabi ni God”. Wag naman siguro niyang sinabi nung nanliligaw siya na siya ang “God’s will” para sa buhay niya. Pwede ba, wag kayong maglagay ng salita sa bibig ng Diyos?
GIRL: “Ganun ba? Sabi kasi sa akin ni God di raw ikaw ang para sa akin eh!”
8. Argumentum ad baculum. Argument with
a stick (pamalo). Pag di ka nakuha sa argumentum ad misericordiam, dadaanin ka
naman sa argumentum ad baculum. May mga teacher na gumamit ng ganito: “Pag
hindi kayo bumili ng sala set para sa bahay ko bilang project n’yo, ibabagsak
ko kayong lahat!!!”
Sa
kultura nating mga Pilipino, pa gang isang lalaki ay nakabuntis, pilit siyang
“pananagutin” ng pamilya ng babae. Marami na akong nakikitang ganyan: nagtu-*tooot*
pero di naman daw nila mahal ang isa’t isa. (Ang sabi ko “nakikita ko” pero
hindi “nauunawaan ko”. :-/) Tapos pag pilit magpakasal, maghihiwalay din tapos
hahanap ng iba.
Ang “shotgun wedding” ay
isang halimbawa ng Argumentum ad baculum.
Para
sa akin, di ginagawang tama ang isang bagay ng dalawang mali (“Two wrongs don’t
make a right”). Kung ako ang magulang n’yan, di ko sila papayagang magsama.
9. Argumentum ex concessio.
Argument
from a previous admission. Ewan ko ba, pero parang mahilig ang mga girls na
hulihin ang mga guys sa salita nila.
GIRL: “May pasok ka ba Tuesday?”
BOY: “May pasok ako eh.”
GIRL: “Eh di hindi mo ako magsusundo sa Tuesday.”
BOY: “Susunduin kita sa Tuesday.”
GIRL: “Eh akala ko ba may pasok ka sa Tuesday?!? Sinungaling ka!!! ARGHHH!!!”
BOY: “Pero… pero…” (Di na makasagot) :’’’-(
#MayPinaghuhugutan
</3
Teka, di ba dapat yung "burden of proof" ay nasa babae/pulis?
9. Non sequitur. It does not
follow. Walang koneksyon ang dalawang bagay pero pilit kinokonek. Halimbawa ang
sabi ng prof n’yo:
“Ang ganda ng panahon ngayon! Maglo-long quiz tayo, 1 to 300!”
Ganun
din pag nagpapa-eksamen sa inyo pero di naman niya tinuro sa inyo. Yung tipong
mapapa-“what the heck?!” na lang kayo at di n’yo alam kung saan huhugot ng
sagot. Sa Measurement and Evaluation, ang tawag sa test na ganoon ay “invalid”.
10. Post hoc ergo propter
hoc. After
this, therefore because of this. Madalas na pinagmumulan ng mga pamahiin o
superstition. Halimbawa, napakainit ng panahon at walang hangin…
“Bakit ka sumisipol?”“Kasi pansin ko pag sumisipol ako, nagkakaroon ng hangin!”
Sige,
push mo yan sa PAGASA!
__________
*
ad infinitum ad nauseum- to infinity to a nauseating degree. Sa sobrang haba,
nakakasuka na.




No comments:
Post a Comment