Ang blog post na ito ay unang lumabas bilang “The ‘Other Women’ dito sa blog na ito, Tips on Research, Planning, and Love. Nakaroon ako ng ideya na i-expand ang post na ito at gawing isang serye.
Dito sa PCU-Dasma, may proyektong seminar ang University Student Government (USG) na “Lovestruck: Sexy Edition”. Ang speaker ay si Ronald Molmisa. Noong sinilip ko ang blog niya (www.rcmolmisa.blogspot.com), mukhang ang specialty niya ay tungkol sa mga usaping pag-ibig. (Meron ding ilang mga post na komentaryo sa current events.) Naka-ilang aklat na rin siya ng “Lovestruck” at itong “Sexy Edition” ay ang aklat niya na tumatalakay ng isyu tulad sa sex, lalo na sa mga kabataan.
Hindi ako ganoon kagaling tungkol sa mga bagay na patok sa mga kabataan ngayon. In fact, mas mahilig ako sa mga lumang libro kaysa sa mga bestsellers na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon. Pero kahit mga sinauna ang mga binabasa ko, sinisikap kong maipakita na ang mga tema nito ay nangyayari pa rin ngayon.
Halimbawa, sa serye na ito hindi ako gagamit ng mga nakikita sa movies at telebisyon ngayon. Sa halip ay gagamitin ko ang mga kwento galing sa Mythology. Para sa akin, ang mga kwento sa Mythology ay walang pinagkaiba sa mga pelikula na may special effects. Alam naman natin na di totoo ang mga ito. Pero nagiging patok pa rin sa atin ang mga ito dahil ipapakita dito ang mga sitwasyon ng tao na makikita natin sa paligid—o maging sa buhay natin ngayon.
Kaya ang tawag ko dito ay “Lovestruck: the Sir G Edition”. Di ko alam kung magiging patok ito sa mga kabataan ngayon kasi Mythology ba naman ang usapan. Pero gusto ko lang maipakita ang mga aralin tungkol sa pag-ibig na matututunan natin mula sa mga kwento ng mga tao noong una.
(Image via HerCampus.Com)
Usapang Kabit
Sa Greek Mythology, si Zeus, ang hari ng mga diyos, ay kilala bilang isang mahilig sa babae. Bagamat asawa niya si Hera, hindi ito hadlang upang siya’y makapambabae. Maraming mga mortal na babae ang kanyang mga kabit. Maraming tayong mga salita para sa “kabit”. Sa English, nariyan ang third party, other woman, mistress, lover, at paramour (na galing mga salitang Latin na it from the Latin para ‘alongside’ + amor ‘love’. Hindi ito yung bandang Paramore). Sa Tagalog naman, nariyan ang kerida at kulasisi. (Mga inosenteng salita sana ang mga ito. Ang kerida ay ‘one that you love’1 sa Spanish. Ginamit ito ni Rizal sa Mi Ultimo Adios: “Tierra del sol querida”, ‘ang lupain na iniibig ng araw’. Ganun din, ang “I love you” sa Spanish ay “Ti quero”. Samantala, ang kulasisi ay turtledove o maliit na kalapati. Kawawa naman ang kalapati at nadamay sa kalokohan ng tao.) At dalawa sa mga naging kabit ni Zeus ay si Io at si Europa.
Bakit kumukuha ng kabit ang mga lalaki?
Bakit nga ba kumukuha ng kabit ang mga lalaki? Ang sabi ng isa kong estudyante, “genetic” na raw iyon sa mga lalaki. Sabi naman ng iba, iyon ay pagpapakita ng lakas ng mga lalaki. Common knowledge naman na na ang mga lalaking nasa kapangyarihan—tulad ng mga hari, presidente, etc.—ay maraming mga babae. Dahil sila ay makapangyarihan, kaya nilang kunin at agawin ang anumang gusto nila, tulad ng mga babae.
Si Haring David
Halimbawa na lang, si Hari David. Noong siya ay secure o panatag na bilang hari ng Israel, di na siya lumalabas upang makipaglaban sa mga kaaway. Pinadadala na lang niya ang army niya. Kaya ayun, sa panahon na lumalabas ang mga hari upang makipagdigma (sa spring time, dahil noong araw ay “tigil-putukan” sila pag winter dahil mahirap makipaglaban pag umuulan ng snow), si David ay nakatambay lamang sa bubong ng kanyang palasyo. Eh ang palasyo ang pinakamataas na building sa bayan kaya kitang-kita niya sa tabing-bahay ang isang babaeng naliligo2—si Batseba, ang asawa ni Urias na Heteo. Dahil akala niya na kaya niyang ginawa ang kahit ano, pinakuha niya si Betseba bilang asawa (at pinapatay ang kanyang asawa). Walang umimik kahit sino ngunit ang sabi sa Biblia, “Ngunit hindi ito kinalugdan ng Panginoon” (tignan ang 2 Samuel 11-12.)
Bakit kumakabit ang mga babae?
Bakit naman kumakabit ang mga babae? May ilang mga nagsasabi na para ito sa mga materyal na bagay tulad ng pera, bahay, ari-arian, atbp. Meron naman ibang nagsasabi na dahil nararamdaman nila na mas mahal sila ng mga lalaki kasya sa tunay na asawa. Ang masasabi ko lang, maraming tao ang di ginagamit ang utak.
To be fair sa dalawang babaeng pag-uusapan natin ngayon, hindi sila kumabit kay Zeus dahil sa anuman pang bagay. Lahat ng ito ay gagawan lamang ni Zeus.
(Kung meron pa kayong alam na dahilan kung bakit kumakabit ang mga babae, paki-comment na lamang sa baba.)
Si Io
Si Io ay isang mortal na babae na inibig ni Zeus. Tulad ni Haring David, nakatambay lamang si Zeus sa Mount Olympus at pag tungô niya ay nakita niya si Io. Bagamat takot si Zeus kung anong gagawin ni Hera pag nambabae siya, mas malakas ang pag-ibig pagnanasa niya para kay Io. Kaya bumababa siya sa lupa at binalot niya si Io at ang kanyang sarili sa mga madilim na ulam.
Syempre si Hera, noong hindi niya makita sa
Kaya bumaba si Hera sa lupa upang kumprontahin ang kanyang asawa. Ngunit bago sila makita ni Hera, ni-transform ni Zeus si Io bilang isang “heifer” (one-year old cow, “dumalagang baka” sa Tagalog). “Sino ‘yan?!” ang tanong ni Hera. “Wala lang, dear,” ang sabi ni Zeus. “Baka lang ito. Cute, noh?” Ganyan talaga ang mga mga lalaki pag may tinatagong babae, noh? “Hindi ko kabit yan! Kaibigan/business partner/groupmate/(fill in the blanks) ko lang yan!” Saka ganito ang mga “style”: “Overtime ako ngayon eh.” “May out-of-town trip kami over the weekend eh.” Weh. At para sa mga estudyante: “May overnight kami ngayon eh. May gagawin kaming group project.” Ows, talaga?
“Eh baka lang naman pala eh,” ang sabi ni Hera. “Eh di akin na lang ‘yan!” Maraming pahirap ang ginawa ni Hera kay Io. Sa huli, naitakas din ni Zeus si Io sa Nile River sa Egypt at nagkaroon sila ng anak. At nagkaroon sila ng kaapu-apuhan na ang pangalan ay Hercules, na anak din ni Zeus.
Pagmasdan ang family
tree na ito at makikita ninyo kung gaano ka-sira ang utak ni Zeus. Kaya, si Pareng Kules (Hercules), di lang niya tatay si Zeus, lolo pa niya two times. (From Mythology by Edith Hamilton)
Si Europa
Si
Europa naman ay isang prinsesa na taga-Sidon, isang bayan sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea, sa bansa na kilala natin ngayon bilang Syria. Kilalang
mandaragat ang mga taga-Sidon kahit sa kasaysayan. Isang araw ay lumabas si
Europa at ang kanyang mga BFF’s3 sa tabing-dagat. At doon nila
ginawa ang mga kung anong ginagawa ng mga babae pag kasama nila ang mga
girlfriends4 nila: nimimintas ng mga bulaklak, nagkukuhanan ng
selfie, nagtsitsismisan tungkol sa mga crush nila…. (Kaya siguro matagal ang
mga babae sa CR. Bakit ba naman kasi nauso ang kuhanan ng mga selfie sa CR?)
As
usual, nakatambay na naman si Zeus sa Mount Olympus at walang magawa kaya
naisip na naman niya na makapang-“chicks”. Kaya nang makita niya si Europa at
bumaba siya sa lupa. Pero sa halip na gawin niyang baka si Europa, siya naman
ang nag-ayong maamong toro. Again, ganyan ang mga lalaki pag gusting
makapanloko ng babae! Kunwari magdi-disguise ng matino ayun pala…. Kaya girls, kilalanin munang mabuti ang guy
bago tuluyang magtiwala!
Ang
sumunod na nangyari ay ang tinatawag na “the rape of Europa”. Heps! Bago kayo
mag-isip ng kung ano: Sa Greek Mythology, ang “rape” ay hindi forced sexual
intercourse. Ito ang sapilitang pagki-kidnap sa babae para gawing asawa. (May
napuntahan akong isang liblib na lugar sa Cavite at ang salita ng mga matatanda
para sa pagdakip sa mga babae ay “gabot”.) Kaya
girls, pag pilit kayong isakay ng boyfriend ninyo sa trisikel, magsisisigaw na
kayo ng “Rape! Rape!” (Tandaan: Ang tunay na lalaki ay hindi ipipilit yung
kung anong ayaw ng kanyang asawa/girlfriend.)
Isinakay
ni Zeus si Europa sa kanyang likod at biglang tininakbo siya sa ibabaw ng
dagat. Dinala si Europa sa Crete, kung saan lumaki si Zeus. Dito pinaghanda
siya ng mga diwata ng dagat (mga nymph) para sa kanyang kasal. (Minsan gusto ng
mga “third party” ay may kasal-kasalan din sila.)
* * *
Ayoko
sanang maging Bible study ito pero gusto ko sanang i-share kung anong sinasabi
ng Biblia tungkol sa mga kabit. Malinaw ang sinasabi ng Biblia: “You shall not
commit adultery” (Exodus 20:14), isa sa mga Sampung Utos. Ang ibig sabihin ng
“adultery” o pakikiapid ay ang pagkakaroon ng relasyong sekswal ng isang taong
may asawa sa isa pang tao ng di niya asawa (in short, “kumakabit”).
Maraming
mga karakter sa Biblia na may higit na isang asawa. Si Jacob ay may dalawang
asawa, si Leah at si Rachel. Hindi adultery ‘yon kasi asawa niyang pareho sina
Lea at Rachel. Allowed ang polygyny (ang pagkakaroon ng mahigit na isang asawa
ang isang lalaki) sa Old Testament. Pero silang tatlo ay hindi nakatira sa
ilalim ng isang bubong. Sa Old Testament, hiwa-hiwalay ang tent ng lalaki sa
mga tent kanyang mga asawa. Kahit sa mga Muslim ngayon, ang pwede lamang
mag-asawa ng higit sa isa ay yoong mga may-kaya. Ito ay dahil kailangan iba ang
bahay ng huling asawa sa unang asawa. At kailangan ng malaking pera para
magkaganun.)
Kahit
ng pinayagan ang pag-aasawa ng marami sa Old Testament, makikita na hindi ito
ang “ideal” na sitwasyon. Hindi ito ang plano ng Diyos para sa pamilya. Sa
Genesis 29:31 hanggang 30:24 makikita natin ang “contest” nina Lea at Rachel
para kay Jacob. Malaking sakit siguro kay Jacob ang alitan ng kanyang mga
asawa.
Pero
kahit pinayagan sa Old Testament ang pag-aasawa nang marami, pag dating sa New
Testament, wala nang binabanggit tungkol sa mga lalaki na marami ang asawa.
Kahit sa mga Hudyo ngayon (na sumusunod pa rin sa Old Testament), iisa lamang
ang kanilang mga asawa.
Hindi
basehan ang Biblia para magkaroon ng kabit at kumabit. Tandaan: Sa pasimula,
ang ginawa ng Diyos ay sina Adam and Eve, hindi Adam and Eve and etcetera.
___________
1 Sa Spanish, ang querer ay ‘to like’ at ang amor
ay ‘love’. May nagsabi sa akin na ang “Te
amo” ay ginagamit lamang ng mag-asawa.
2 Hindi ito ordinaryong paliguan. Ang
sabi sa Bible, katatapos lamang niyang maglinis mula sa “ritual uncleanliness”.
Sa mga Hudyo, pagkatapos ng kanilang menstruation, ang mga babae ay dapat
maligo sa sa “mikveh”—isang purification pool na ang tubig ay sinasahod sa
ulan. Wala itong bubong kaya ayun, nakita ni David si Batseba.
3 ‘Best friends forever’, para sa mga di
nakakaalam. Pinauso ni Paris Hilton.
4 Bakit ganoon? Ang mga babae pwedeng
magtawagan na “Hey girlfriend!” pero ang mga lalaki ay di pwedeng magtawagang
“Hey boyfriend!”


Cool neto Sir! :">
ReplyDelete