Noong Sabado (January
24, 2014), umattend ang mga college students ng Lovestruck: Sexy Edition
seminar sa pangunguna ni Pastor Ronald Molmisa. Ito ay proyekto ng University
Student Government at ginanap sa Salakot Chapel. Napaganda ang diretso at
prangkahang pagtatalakay ni Pastor Molmisa tungkol sa isyu ng sex sa mga
kabataan. Bukod sa sense of humor ay solid at biblikal ang kanyang itinuro. Sana
marami pang kabataan ang makabasa ng mga librong Lovestruck (tatlong edition na
yata ang meron) at maka-attend sa mga seminar tulad nito. Libu-libo na ang
naabot ng ministry na ito. Samantalang ito, hindi man lamang mag-trending.
Kunsabagay, di ko naman intensyon na makipagkumpitensya kaninuman. Medyo “academic”
ang dating ng mga articles ko at siguro ang mga makikinabang ay ang mga teacher
at mga estudyante. Sana makita nila na ang pag-aaral ng literature ay di lang
tungkol sa mga bagay sa nakaraan. Ipinapakita sa literature na ang mga bagay na
nagyayari noon ay nangyayari pa rin ngayon.
Na-explain ko na. Labyu.
Usapang
Boys at Flowers
Noong
2005, sumabog ang “F4 Fever” dito sa Pilipinas sa pagdating ng Taiwanese TV
series na “Meteor Garden” (at ito nagpasimula ng pagdagsa ng mga “Koreanovelas”
na ramdam pa rin hanggang ngayon). Ito ay nanggaling sa Japanese TV series na “Hana Yori Dango” at ni-adapt din sa
Korea bilang “Boys Over Flowers” (na pawang pinalabas dito sa Pilipinas). Ito
ay kwento ng apat na anak-mayaman na tinatawag ang sarili nila na “Flower Four”
(F4). Wala silang ginawa kundi apihin ang kanilang mga kapwa estudyante. Minsan
ay pumasok sa school nila si San Cai (Barbie Hsu), isang anak-mahirap kaya
ginawa nila siyang target ng pang-aapi. Ngunit lumaban sa kanila si San Cai at
sa huli ay nagkaibigan sila na lider ng F4 na si Dao Ming Si (Jerry Yan). (Ang palayaw niya
ay “Asi”, pero di si Taulava. Taga-Tonga ‘yun.)
Sinong
di makakalimot sa mga kantang ito?
"Qing Fei De Yi" (Meteor Garden opening theme)
by Harlem Yu
"Ni Yao De Ai"
by Penny Tai
"Liu Xing Yu" (Meteor Rain)
by F4
by F4
Di n'yo maintindihan? Ako rin eh.
Dito sa Pilipinas, di natin ina-associate ang lalaki sa mga flowers kasi ina-associate natin iyon sa mga babae. (Kaya siguro marami sa guys ang hindi makapanligaw dahl nahihiya silang bumili ng flower at tumayo sa harap ng opisina ng babae na may dala-dalang boquet…at pinagtitinginan ng mga tao.) Pero mukhang sa Japan, China, at Korea, ina-associate yun sa mga lalaki. Sabi ng estudyante kong Koreano na si Kevin, “They are called F4 because they are beautiful”. Sa tono ng boses niya, ang ibig sabihin ng “beautiful” ay ‘handsome’ at hindi ‘bading’.
Sa
Greek mythology, may tatlong kwento na tinatawag na “Flower Myths” tungkol sa
pinagmulan at pangalan ng mga flowers. At nakakagulat na ang lahat ng kwento na
ito tungkol sa mga lalaki at lahat sila naging flower.
* * *
“Ang gwapu-gwapo ko
talaga! Grabeh!”
May mga magagandang lalaki (kitams? may term na ganun) na kasawian ng mga babae. Sila ang mga tipo na walang mahal kundi ang kanilang mga sarili. Dahil dito, marami silang naiiwang mga wasak na puso. Ang tawag sa mga ganitong tao ay "narcissistic".
May mga magagandang lalaki (kitams? may term na ganun) na kasawian ng mga babae. Sila ang mga tipo na walang mahal kundi ang kanilang mga sarili. Dahil dito, marami silang naiiwang mga wasak na puso. Ang tawag sa mga ganitong tao ay "narcissistic".
Si
Narcissus ay isang binata na
kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Ngunit lahat sila ay di niya pinapansin.
Isa sa mga umibig sa kanya ay ang isang diwata na ang pangalan ay Echo. Ngunit wala man lamang siya sa
radar ni Narcissus.(Ka-relate kayo,
girls?) Kaya walang nagawa si Echo kundi magtago sa mga ilang na lugar
tulad ng mga kweba hanggang siya ay naging alingawngaw. (“Ah, dun pala galing
yun….”)
Ipinaghiganti
siya ni Nemesis, ang diyosa ng
paghihiganti. Walang mahal si Narcissus kundi ang kanyang sarili. Siya yung
tipo ng lalaki na nag-ii-spend ng isang oras sa harap ng salamin sa CR na
iniisa-isa ang ayos ng kanyang buhok gamit ang hair wax…at pagkatapos ay
guguluhin at aayusin muli. (Facepalm!) Minsan ay nakita niya ang kanyang
reflection sa isang pool ng tubig at na-in love siya sa kanyang sarili. Sa sobrang in-love niya sa reflection niya, ayaw na niyang iwan ang pool hanggang siya ay namatay. Ililibing sana siya ng mga diwata ngunit siya ay
naging isa nang bulaklak.
* * *
Bizarre love triangle
Noong
ako ay isa pang walang muwang na freshman sa isang school na pang-mayaman,
merong isang higher year na ka-course ko ang tumulong sa akin. Siya si Ate
Hyacinth. Maganda si Ate Hyacinth, tulad ng pangalan niya. Di ko akalain na
kakausap ng isang mahirap at baduy na nerd tulad ko. Sa Mythology pala, ang
Hyacinth ay pangalan ng lalaki.
Pero bago ang lahat, babala
muna:
ANG
SUSUNOD NA PALABAS AY RATED S.P.G.:
MAY MGA EKSENANG HORROR, SEKSWAL, KARAHASAN,
AT DROGA NA DI ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. STRIKTONG PATNUBAY NG GURO AY
KAILANGAN.
Si
Hyacinth ay lover ni Apollo, ang diyos na araw. Yup, you
read that right. As in “sila”. Pero di tulad ng “My Husband’s Lover”. Sa
ancient Greece kasi pina-practice ang ‘pederasty’, ang relasyong sekswal sa
pagitan ng isang lalaki at ng isang binatilyo. (Eww.) Considered ‘normal’ ito sa Greece noon. Ngunit ang isang
nagseselos sa relasyon nila ay si Zephyr,
ang West Wind (at isa ring lalaki). (So love triangle ito ng tatlong lalaki, eww, eww.) Isang araw habang naglalaro
ng discus (parang Frisbee™ pero mas malaki at gawa sa brass) sina Apollo at
Hyacinth, “aksidenteng” hinangin ni Zephyr ang discus upang tamaan si Hyacinth
sa ulo. Nang mamatay si Hyacinth, ginawa siya ni Apollo na maging isang flower.
And
for the record, ang relasyon ng isang lalaki sa isang kapwa lalaki ay kailanman
na di ni-consider na ‘normal’ sa Roma, ang susunod na sibilisasyon sa Greece.
Noong masakop ng Roma ang Greece, ni-adopt nito ang maraming bagay sa Greece
(tulad ng Mythology at ang konsepto ng demokasya) pero kahit kalian di ni-adapt
ng mga Romano ang pederasty ng mga taga-Greece. Kinamumuhian iyon ng mga
taga-Roma.
And
for the record din, kahit kailan di
ni-consider ang relasyon ng dalawang lalaki na ‘normal’ sa Biblia. Sinasabi
ng ibang “scholar” di umano na kaya ganoon ang Biblia kasi iyon raw ang kultura
noong unang panahon. Ngunit dahil hindi na raw ganoon ang kultura ngayon at sa
may mga “scientific studies” (kuno) na “nagpapatunay” di umano na ang pagiging
homosexual ay nasa genes. Kaya di na raw applicable ngayon ang pagbabawal ng
Biblia sa homosexuality. Mayroon ding ilang mga “scholar” di umano na nagsasabing may mga same-sex relationships
daw di umano sa Biblia.
Ayokong
maglista dito ng mga verses kung saan tinatawag na kasalanan ng Biblia ang
homosexuality. Pa-isa lang:
Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. (I Corinto 6:9-10)
Malinaw na sa Biblia na ang homosexuality kasama ng ibang mga kasalanan ay kasalanan. Kung ang Biblia talaga ang Salita ng Diyos, hindi ito pwedeng baguhin ng kultura at ng di umanong mga “scientific studies”. Amen? (Amen!)
* * *
“Sugar mommy” at “Boy
toy”Sa English, ang isang lalaki ay tinatawag na “Adonis” kapag siya ay bata, gwapo at matipuno. Sa Mythology, simula nang ipanganak si Adonis, siya ay inibig na ni Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Pinaalagaan niya ang batang si Adonis kay Persephone, ang asawa ni Hades, ang diyos ng kamatayan. Ngunit inibig din ni Persephone si Adonis, at pinag-agawan siya ng dalawang diyosa. (Ikaw nah!) Sa medaling salita, si Adonis ay naging isang “boy toy”. Kaya nag-referee sa kanila si Zeus: fifty-fifty daw sila. Six months si Adonis kay Aphrodite at six months din kay Persephone. (O parang: “M-W-F ako sa kanya at T-TH-S ako sa dun sa isa. Pag Sunday, pahinga.”) Minsan, dinala ni Aphrodite si Adonis mag-hunting kasi gusto ni Adonis mag-hunting. (Alam n’yo naman ang mga “sugar mommy”, kung ano ang gusto ni boyfriend, yun ang ibibigay.) Ngunit si Adonis ay napatay ng isang baboy-ramo. At tulad ng nakagawian, siya ay naging isang flower.
Anong matututunan natin dito? “Ang tunay na guy/chicks, naglalaro ng gadgets, hindi ng damdamins.”


No comments:
Post a Comment